akosicinderella

I need to be home by twelve.

Ako si Cinderella

with 4 comments

Nainggit ako sa mga bloggers ngayon. Lahat ng escapades aba, nasa cyberworld. Eh di naman sa nagmamaganda ako, pero may mga lalaki din namang dumaan sa buhay ko. Eto ang blog ko at dito magsisimula ang mga kwento ko.

Ako si Cinderella, tawag sakin ng mga baklang friends ko. Sa tuwing may eksena kasi sa bukid, madalas kailangang makauwe na ako ng bahay bago mag-alas dose kundi maaaward ako ni Mudrakels or kaya sunduin ni Pudrakels sa nomoan sa kanto. Lost ang beauty ko pag ganun! Hindi ako masyadong marunong ng gayspeak, may kokonting terms akong alam mula sa mga baklang tropa. Ginetlak, binoooking, otoko, ombre, eksena, nomonomo, kupingkuping, breastfeed, wit at olay. Mabibilang palang sa daliri ang alam ko. Dadami rin ang vocabulary ko, che.

Eto na nga. First entry. Dapat may ombre agad. Eh nung Byernes sa Barangay Marilag, naisipan ng bestfriend ko na puntahan ang aming textmates na mga otoko. So mega drive to the barrio alas nuwebe ng gabe. Tatlong ombre, dalawa kaming binibini. So kelangan ng isa. So major contact ng isa pang tuklis para di naman kawawa ang tonsils namin, anetch!

So hayun. Tatlong ombre, tatlong tulis, isang kwatro kantos, isang ginbilog = barjugan before the clock ticks midnight. Shet o shet, may hitsura ang otoko ko. Eto sya o. May dimples. Mataas at mabango.

Ang siste, mukhang di makaget-over ang lola nyo kay B. Makulay ang buhay ni B. Tricer daw sya sa palayan nearby. Hindi naman tagagapas ng palay pero equally pisikal ang labanan dun. Ang nakakatuwa di sunog ang balat ni B. Though may mga konting paltos ang makinis na kutis. Good breath, ate. What’s not to love? Sabi nga ng mga bakla, paliguan lang at bihisan, shoot na sa banga!

Ang ayoko kay B, jejemon ang text anopangaba. Nakatemplate na ata ang telono na may equal sign sa unahan ng text. Parang ganito: “=bkit wala pa lod q,.” Di ko maintindihan kung bakit ang mga jejemon may sariling punctuations, misplaced at dangling. Kaloka! Si B, parating humihingi ng load e isang beses ko palang natikman. Ganito sya. Pag humihingi ng load, may term na “Mahal” sa texts. Kapag hindi na ako nagreply, “Hoy” na ang tawag sa akin. Kaloka.

Pero nung Sabadong iyun, natouch ang bakla. Sabi ni B, isasama raw nya ako sa bahay nila sa darating na buwan. Binyag ng pamangkin nya. O dava, ang ganda ko. Welcome to the family ang drama. Dapat lang. Kasi umaga ng Sabado, naduduwal ako. Nakajackpot si B, nabuntis ata ako.

Written by akosicinderella

January 18, 2011 at 9:41 am

Posted in Uncategorized

4 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. punyeta naman! nakakainggit yang juntis2 effect na yan! wiz ditey ang asawa! walang tutusok. hindi mauulanan ang peks ko!

    inggit much talaga aketch! eh kung malandi lang ako eh di papatol na lang akey sa ibang hombre… kaya lang, one-man woman ang lola mo!

    che!

    Echoserita’s latest blog post: Tang-Ina-Inang Dogshow

    Echoserita

    January 18, 2011 at 4:25 pm

  2. antaray mo naman teh. hehehehe.

    inferness epek siya …

    Prinsesa ng Iskwater

    March 19, 2011 at 6:55 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: